NEWS AROUND SUBIC BAY

Subic mayor pumalag sa isyu ng police power

Posted 7 years ago


MANILA, Philippines — Naniniwala si Subic Mayor Jefferson Khonghun na may bahid pulitika ang pagkakadawit ng kanyang pangalan kaugnay sa hindi masugpo ang drug trade sa nasabing bayan kaya isa siya sa inalisan ng police power ng National Police Commission (Napolcom) dahil nalalapit na naman umano ang eleksyon 2019.

By Alex Galang at Ray Nadar


Subic mayor pumalag sa isyu ng police power
Ipinakita ni Mayor Khonghun ang plake ng pagkilala ni PNP Chief Dela Rosa bilang top 1 implementator ang bayan ng Subic laban sa drug trade noong Oktubre 2016. Alex Galang


Si Mayor Khonghun, kasama ang 20 alkalde at isang gobernador ang inalisan ng police power ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa rekomendasyon ng Napolcom.

“I know myself, and people of my town knows me and even you the local media must have known me in my seven years as town mayor and my previous experience as provincial board member of Zamba­les,” pahayag ni Mayor Khonghun.

Ayon sa alkalde, kailangan umano ng Napolcom na masusing suriin at maire-validate ang mga ulat na wala siyang programa laban sa drug trade dahil nagmumukha lamang umano itong akusasyon na walang basehan.

Naniniwala rin ang nasabing alklade na nagsi­mula ang akusasyon laban sa kanya nang mag-um­pisang mapag-usapan ng mga taga Zambales ang posibilidad na pagtakbo nito bilang gobernador ng lalawigan.

Nabatid na binigyang parangal mismo ni Philippine National Police Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang Subic Police Station bilang top 1 implementator sa Anti-Illegal Drugs Campaign “Double Barrel-Alpha” sa ilalim ng MPS-Class B level sa central Luzon noong Oktubre 2016.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Base sa liham ng Napolcom na ipinadala kay Mayor Khonghun, bilang isa sa mga local government executives na binanggit sa ulat, inaalis sa kanya ang police power dahil umano sa bigong masawata ang drug trade sa kanyang lugar at ma­ging ang abuse of authority.

Gagawa umano sila ng mabilisang hakbang upang matanggal sa listahan ang kanyang pangalan na tila hindi umano dumaan sa masusing beripikasyon.

Source: philstar.com

Loading Comment

Subic mayor pumalag sa isyu ng police power

Posted 7 years ago

SBMA kicks off 25th year anniversary celebration

Posted 7 years ago

US destroyer docks in Subic for Trump

Posted 7 years ago

Window hours for trucks set at SCTEX, NLEX during ASEAN

Posted 7 years ago

Subic named Asia’s best sports tourism destination

Posted 7 years ago

SBMA: Redondo Peninsula development back to square one

Posted 7 years ago

Related Content

Other News

View all news
News Archive
 
Share