NEWS AROUND SUBIC BAY

Olongapo City, nakiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill

Posted 7 years ago


Isang malakas at mahabang hiyaw ng sirena ang naging hudyat ng pagsisimula ng national simultaneous earthquake drill na isinagawa sa Olongapo City Elementary School, noong Miyerkules ganap na alas dos ng hapon.

Ulat ni Lolito Ramada Go

Tinatayang umabot sa 3,000 mag-aaral mula sa nabanggit na paaralan ang nagsipag-duck cover and hold, bilang bahagi ng paghahanda sa sakuna ng lindol.
Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng national simultaneous earthquake drill bilang obserbasyon sa National Disaster Resiliency month na isinasagawa tuwing buwan ng Hunyo.
Ayon kay G. Daniel Lacuata, school coordinator ng naturang programa, umabot lamang ng 3 mins 59 secs bago tuluyang ma-evacuate ng mga bata ang buong eskwelahan. Nasunod din lahat ng mga evacuation plans na tulong-tulong na inensayo ng mga guro at mag-aaral.
Samantala, pinuri naman ni G. Carlo Elepongga, Research and Planning Officer ng CDRRMO, ang naging disiplina ng mga bata at ang ipinakitang kasanayan ng mga guro.
Dagdag pa ni Elepongga, mahalagang maging handa ang lahat sa sakuna ng lindol, lalo pa’t nakaranas ang Olongapo at lalawigan ng Zambales ng serye ng mga pagyanig nitong mga nakaraang buwan.

First Published: Subic Broadcasting Corporation

Loading Comment

Olongapo City, nakiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill

Posted 7 years ago

Ikatlong taon ng Arbor Day sa Subic Bay, dinagsa ng daan-daang volunteers

Posted 7 years ago

Bataan Court Denies Ocean Adventure “Occupier” Access To SBMEI Bank Accounts

Posted 7 years ago

Navy to Commission Littoral Combat Ship Gabrielle Giffords

Posted 7 years ago

Congressional Briefing isinagawa upang tuldukan ang bangayan sa liderato ng SBMA

Posted 7 years ago

Betten beats ’em all again for 3-peat in Regent 5150

Tags: |

Posted 7 years ago

Related Content

Other News

View all news
News Archive
 
Share