Million Volunteer Run ng Red Cross Olongapo, hindi nagpaawat sa ulan
Posted 7 years ago
Ilang minuto bago mag alas sais ng umaga noong Sabado, Oct 21, nang ihudyat ang pagsisimula ng ikaapat na Million Volunteer Run ng Philippine Red Cross Olongapo Chapter.
By: Lolito Go
Sa kabila ng ulan at pabugso-bugsong hangin, hindi nagpaawat ang mahigit sa 2,000 volunteers na nagparehistro sa 2K at 3K run ng pinakamalaking humanitarian run sa buong bansa.
Bago pormal na simulan ang naturang volunteer run nagkaroon muna nang isang warmup program sa harap ng isang mall na nagsilbi ring assembly area para sa naturang aktibidad.
Ang Million Volunteer Run ay isang simultaneous nationwide non-competitive Humanitarian Run na layuning makapangalap ng karagdagang pondo para sa mga adhikain ng Red Cross.
Isang araw bago ang volunteer run, nagsagawa rin ng isang mobile blood donation ang PRC Olongapo sa tulong ng Subic Bay Freeport Chamber of Commerce.
Source: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook
Loading Comment