Mga prayoridad ng bagong talagang SBMA Chair at Administator Wilma Eisma, inilatag
Posted 7 years ago
Sa talumpati nito sa kanyang thanksgiving mass noong Martes ng gabi sa harap ng Admin Bldg. 229 sa Subic Bay, ilang oras makaraang manumpa bilang bagong talagang Chairperson at Administrator ng SBMA, pinasalamatan ni Atty. Wilma Eisma ang SBMA board of directors, ang Subic Bay Freeport Chamber of Commerce, mga empleyado at opisyal ng SBMA maging ang local media sa aniya’y pagbabantay sa kaniyang mahaba at masalimuot na laban na natuldukan na sa wakas.
Ayon kay Eisma, ang kanyang tagumpay ay hindi lang tagumpay ng isang tao bagkus ay tagumpay ng buong Subic Bay at ng mga mamamayan. Binigyang diin din ni Eisma na hindi nya hinangad ang naturang posisyon subalit nakahanda sya sa anumang hamong nakatadhana para sa kaniya.

Sa eksklusibong panayam ng SBC News, inilatag ni Eisma ang kanyang pangunahing agenda bilang Chairman at Administrator ng SBMA. Una na rito ang pagkakaroon ng Compliance Hotline, ang pagpapalakas ng Airport at Seaport at ang pagtutok sa Redondo Peninsula na binansagan nyang “promised land” ng Subic Bay.
Sa huli’y pinasalamatan ni Eisma si Dino na aniya’y may naging importanteng papel din sa maiksing pamumuno nito sa SBMA.
Source: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook
Loading Comment