30th SEA Games Athletes Village, itatayo sa Clark
Posted 6 years ago
PASISINAYAAN ang pinakaunang athletes village na gagamiting tirahan ng lahat ng kasaling mga pambansang atleta na lalahok sa isasagawang iba’t ibang sports sa bansa sa pagho-host nito sa ika-30 Southeast Asian Games simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 13, 2019 sa Clark, Pampanga.
Bibigyang-sigla ng mga premyadong atleta na sina swimmer Eric Buhain at sprinter Lydia De Vega-Mercado ang lugar na paglalagyan sa mahigit 2,000 sasaling atleta mula sa 11 kasaling bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya sa pagpapasinaya sa lugar na kinatitirikan ng Athletes Village.
Makakasama nina De Vega-Mercado at Buhain sina Vivencio Dizon, President and CEO ng BCDA, si Allan Peter Cayetano na Chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), Christopher ‘Bong’ Go, dating Special Assistant to the President, Cheska Altomonte na Athlete’s Commission representative at si Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Source: abante.com.ph
Loading Comment