NEWS AROUND SUBIC BAY

Forum on Federalism at membership seminar ng PDP Laban, isinagawa sa Olongapo

Posted 7 years ago


Isinagawa noong biyernes sa Brgy Sta. Rita Olongapo City ang isang Forum tungkol Federalismo kasabay ng isang basic membership seminar ng PDP Laban, ang partidong pulitikal ni pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan ng Tapang at Malasakit Alliance at Luzon Watch Olongapo Chapter ang nasabing mga programa na dinaluhan ng mahigit sa isang daan katao. Marami sa mga ito ay nagsipanumpa rin bilang bagong kasapi ng nabanggit na partido pulitikal.

Binuksan ni Olongapo City Councilor Edic Piano ang palatuntunan sa isang maiksing pananalita na sinundan naman ng basic lectures mula sa ilang piling panauhin.

Nagsilbing guest speaker sa programa ang PDP Laban Region 3 President na si Ka Tito Mendiola at si Ka Boy Dela Cruz na chairman naman ng educational committee ng PDP Laban Region 3.

Layunin ng nasabing programa ang ipalaganap ang kaalaman tungkol sa pederalismo, isang uri ng pamahalaan na isinusulong ng Pangulong Duterte panahon pa lamang ng kampanya noong 2016.

Ang pederalismo ay isang sistema ng pamahalaan kung saan ang mga kapangyarihan ay pinamamahagi ng pantay sa pagitan ng pamunuang sentral at ng mga estado rehiyunal. Di gaya ng presidential o unitary form of government na ang awtoridad at kapangyarihan ay nakasentro sa pamunuang sentral na nakabase sa National Capital Region.

Ito na ang ikaapat na pagkakataon na nagsagawa ng katulad na programa ang PDP Laban sa lungsod ng Olongapo.

Source: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook

Loading Comment

Forum on Federalism at membership seminar ng PDP Laban, isinagawa sa Olongapo

Posted 7 years ago

Key infra projects part of Japanese assistance

Posted 7 years ago

Sanitary landfill site in Hermosa, Bataan unveiled

Posted 7 years ago

COA: Olongapo fails in solid waste mgm’t

Posted 7 years ago

Olongapo group supports pro-government alliance

Posted 7 years ago

Milling on the dock of the bay

Posted 7 years ago

Related Content

Other News

View all news
News Archive
 
Share