NEWS AROUND SUBIC BAY

Lungsod ng Olongapo, apektado sa malakas at mahabang pagyanig

Posted 7 years ago


Kabilang ang Olongapo City sa mga apektadong lugar na niyanig ng 6.1 magnitude na lindol na nakasentro sa bayan ng Lian, Batangas nitong August 11 sa ganap na 1:28 ng hapon.

Ilan sa mga naapektuhan ay ang mga estudyante mula sa St. Joseph College na kinailangang dalhin sa St. Jude Hospital para mabigyan ng pangunahing lunas sa tulong na rin ng mga ilang opisyal ng paaralan at barangay.
Apektado rin ang mga mag-aaral ng Gordon College na mabilisan namang isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital dahil sa panic attack.
Samantala, sa hiwalay na panayam sa Teacher-in-Charge ng Tapinac Senior High School na si Mrs. Corazon Dumlao, ay napansin nila ang mga ilang hinihinalang bitak sa bagong gusali na mahigit isang taon pa lamang naiti-turn-over sa kanila. Napansin nila ang diumanong bitak pagtapos na maganap ang nasabing pagyanig.
Kagyat naman nilang kinuha ang atensyon ng City Engineer para suriin ang epekto ng lindol sa integridad ng gusaling pamparaalan. Sa kasalukuyan ay hihintayin nila ang magiging opisyal na pahayag ng mga kinauukulan patungkol sa hinihinalang mga bitak sa ikalawa at ikatlong palapag ng istruktura.

First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook

Loading Comment

Lungsod ng Olongapo, apektado sa malakas at mahabang pagyanig

Posted 7 years ago

Aeta leader feted at Subic ecotourism fest

Posted 7 years ago

U.S. Transfers Custody of New Joint Maritime Law Enforcement Training Center to PNP

Posted 7 years ago

Iba Town Mayor to residents: “Be Partners for Change”

Posted 7 years ago

SM constructs new drainage line in Olongapo

Tags:

Posted 7 years ago

Mayor Paulino leads enforcement of anti smoking ordinance

Posted 7 years ago

Related Content

Other News

View all news
News Archive
 
Share