NEWS AROUND SUBIC BAY

Eco-friendly wedding sa Negros Oriental

Posted 5 years ago

Tampok sa isang wedding reception sa Santa Catalina, Negros Occidental ang mga eco-friendly na kagamitan. Retrato mula kina Bayan Patrollers Pi at Toto Ib-ib.

Mahalaga para kina Audre at Jan Valense Geconcillo ang kalikasan, at sumalamin ito sa mismong araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Eco-friendly ang tema ng wedding reception ng pares na idinaos noong Martes sa bayan ng Santa Catalina, Negros Occidental.

Sa mga larawan ng reception na kuha ng pinsan ni Audre, makikita ang mga saha ng saging na ginawang plato ng mga bisita at mga kawayang ginawang baso at straw.

Retrato mula kina Bayan Patrollers Pi at Toto Ib-ib.

Sagana rin ang reception sa iba’t ibang prutas, mga kakanin, at mga pagkaing sariling atin na nakahain sa dahon ng saging at mga bilao.

Ayon kay Audre, pareho silang “nature lover” ng kaniyang mister na si Jan.

Katuwang ng mag-asawa ang kanilang mga kaanak sa paggawa ng mga ginamit sa kasalan, ani Audre.

Maging ang mga regalong hiniling ng mag-asawa ay maka-kalikasan din.

Natanggap nila ang mga pananim na niyog, at seedlings ng prutas, gulay, at kape.

Source: news.abs-cbn.com

Sangat LandscapeSangat Landscape

Loading Comment

Eco-friendly wedding sa Negros Oriental

Posted 5 years ago

Palace declares May 13 a special nonworking holiday

Posted 5 years ago

Seniors to get P23 B in stipend

Posted 5 years ago

Classes In Public Elementary and High School Will Begin In June 3

Posted 5 years ago

Filipino scientists find damaged coral reefs, plastics in Spratlys

Posted 5 years ago

New law waives gov’t document fees for first-time job seekers

Posted 5 years ago

 
Share