Barangay captain sa Olongapo kinasuhan ng 6 kagawad
Posted 7 years ago
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9184 (Government Procurement Act) at Republic Act No. 3019 (Anti Graft and Corruption Act) sa tanggapan ng Ombudsman ang Barangay Captain ng Old Cabalan, Olongapo City.
Ang reklamo ay inihain nina kagawad Glenda Flores, Zosimo Cabiling, Roderick Gaton, Jose Galang Jr., Milagros Andrade at Victoriano Tuazon laban sa kanilang kapitan na si Lester Nadong.
Batay sa 10-pahinang complaint affidavit ng mga kagawad na ibinigay sa Abante, nag-ugat ang reklamo sa mga sasakyan na garbage compactor, motorcycle patrol at Kia 2700 response vehicle kung saan ang Subic Con ang tumayong supplier.
Luma na umano ang naturang garbage truck base sa Certificate of Registration na 2006 na nakapangalan sa isang Apolinario Valdez taliwas sa dokumento na 2016 model.
Kuwestiyonable rin umano ang pagkakabili ng kanilang motorcycle patrol vehicle alinsunod sa resolusyon na inaprubahan ng barangay council matapos matuklasan ang isang deed of sale mula sa isang anak ng dating kapitan at ngayon ay konsehal ng lungsod gayung ang kanilang katransaksyon ay ang mismong Subic Con.
Nagkaroon din umano ng overpriced sa KIA response vehicle na nagkakahalaga ng P1,014,000 gayung ang fixed umano nito ay nasa P1,002,000 lang base sa records na kanilang nakuha mula sa Kia Motors.
Source: abante.com
Loading Comment