Alternatibo at malinis na kalan, tampok sa isang livelihood seminar sa Olongapo
Posted 7 years ago
Nagsagawa ng isang livelihood seminar ang ilang mga guro at siyentipiko mula sa Bataan Peninsula State University, Abucay Campus nitong Huwebes ng Umaga sa Brgy West Bajac-bajac multipurpose covered court.
Ulat ni Lolito Ramada Go
Tampok sa naturang seminar ang charcoal briquetting na gumagamit ng biomass bilang pamalit sa tradisyunal na uling. Gamit ang ilang orihinal na teknolohiya tulad ng pyrolitic stove at V-stove o ang Vertical fed biomass cook stove, ipinakita nila sa mga mamamayan ng Olongapo ang kanilang mga environment-friendly alternative sa panggatong at uling.
Ayon kay engineer Jonathan Lacayanga, 2009 pa nang idevelop nila ang ganitong teknolohiya upang makatulong sa pagpapababa ng household pollution na aniya ay pang-apat sa mga pangunahing panganib sa kalusugan ng tao sa mundo batay sa world health organization.
First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook
Loading Comment