Site icon

Olongapo City Mayor Rolen Paulino, bumaba na sa puwesto

Olongapo City Mayor Rolen Paulino, bumaba na sa puwesto

Photo Credit: Radyo Bandera

Bumaba na sa kanyang puwesto si Olongapo City Mayor Rolen Paulino matapos maihain ang suspension order sa kanya kanina bandang alas-singko ng hapon.

Anim na buwan suspended si Paulino at ang iba pang mga opisyales.

Base sa desisyon ng ombudsman, napatunayang sila ay nakagawa ng “simple misconduct” dahil sa bidding procedure ng Olongapo City civic center o kilala ring kbg complex sa isang mall developer.

Ipinahayag ni paulino na maluwag sa kanyang loob ang nasabing pagbaba sa pwesto.

Giit pa ni Paulino, hindi nila pinabayaan ang kanilang trabaho at ni minsan ay di nila inabuso ang kanilang kapangyarihan bilang mga opisyal ng lungsod.

Naniniwala ito na may dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito.

source: 107.1 FM Radyo Bandera Olongapo City FB page