Art Gallery na nagtatampok sa mga obra ng Olongapo-based artist na si Farley del Rosario, dinarayo ngayon sa Libis.
Tampok ngayon ang pinakabagong koleksyon ng mga pinta at eskultura ng Olongapo-based artist na si Farley del Rosario sa isang gallery sa Libis, Q.C. Ang naturang koleksyon na pinamagatang Welcome to the Playpen ay pormal na inilunsad nitong Martes, July 25 at matatapos naman sa ika-walo ng Agosto. Si del Rosario ay isa sa mga kinikilalang rising star sa larangan ng visual art at nakapag-exhibit na rin sa loob at labas ng bansa.
Kinilala sya bilang isa sa Nokia’s 10 Most Exciting Artists, naging nominado sa Cardinal Sin Catholic Book Awards at finalist naman sa Romeo Forbes Children’s Story Writing Contest.
Nakatrabaho rin ng 37-anyos na pintor ang National Artist na si Sionil Jose at iba pang tanyag na pangalan sa larangan.
First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook