Maaga pa lang ay bumuhos na ang malakas na ulan sa buong lungsod ng Olongapo na dala ng habagat at naging sanhi ng bahagyang pagbaha sa ilang lugar partikular sa Brgy. Sta. Rita, E.B.B, Brgy. Banicain, Brgy. Pag-asa at iba pa.
Sa pag-iikot ng SBC News napag-alamang mabilis din namang humupa ang tubig sa mga nabanggit na lugar pagkaraan ng ulan. Subalit may ilang ding lugar na nananatiling unpassable para sa mga motorista. Ayon naman sa weather update naman ng Philippine Red Cross Olongapo, kasalukuyang nasa Yellow Warning Level ngayon ang buong lalawigan ng Zambales, Naitala ang hightide alas onse ng umaga at inaasahan naman ang low tide alas 7:29 ng gabi.
Sa mga sandaling ito ang patuloy pa rin ang panaka-nakang pag-ulan at nakaantabay rin ang mga kawani ng DRRMO at ang PRC para maghatid ng impormasyon at ihanda ang publiko sa mga sakuna partikular sa mga lugar na madalas ang flashflood at landslide. Samantala, humingi naman ng public apology sa kanyang social media account ang Punong Lungsod ng Olongapo dahil sa late na pag-anunsyo ng suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan. Ayon sa punong lungsod, huli na rin umano nilang natanggap ang rainfall warning mula sa Pag-asa.
First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook