Site icon

Ikatlong taon ng Arbor Day sa Subic Bay, dinagsa ng daan-daang volunteers


Sa ikatlong pagkakataon ay isinagawa ang taunang Arbor Day sa Subic Bay na dinaluhan ng mga volunteers na kinabibilangan ng mga SBMA employees, civil society groups at lokal na pamahalaan ng Olongapo nitong Biyernes ng Umaga, June 23.

Ulat ni Lolito Go

Ikatlong taon ng Arbor Day sa Subic Bay, dinagsa ng daan-daang volunteers

Ang taunang tree-planting activity ay nag-originate sa Nebraska USA at isinabatas sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act 10176 o ang Arbor Day Act of 2012.
Nagsimula ang palatuntunan sa isang maikling programa sa harap ng Bldg 229 sa Waterfront Road na agad namang sinundan ng isang motorcade patungong reforestation site sa Mount Sta Rita, Subic Bay Freeport Zone kung saan mahigit sa 5,000 saplings at seedlings ng iba’t ibang uri ng puno ang tulong-tulong na itinanim.
Nakiisa rin sa selebrasyong ito ang mga stakeholder sa SBMA, mga estudyante at mga miyembro ng Philippine Coast Guard.
Ayon naman sa Social Development Division ng SBMA Ecology Center, umabot sa 920 katao ang naitalang dumalo sa nasabing aktibidad.
Lubos naman ang pasasalamat ni SBMA Administrator Wilma Eisma sa lahat ng dumalo at inaasahan nyang taun-taon ay mas dadami pa ang bilang ng mga volunteer na may malasakit sa kalikasan.

First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook

Exit mobile version