Site icon

Ex-administrator ng SBMA, itinalaga sa Insurance Commission


OLONGAPO CITY, Philippines —Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si da­ting administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na si Atty. Randy Escolango bilang de­puty commissioner sa Insu­rance Commission.



Atty. Randy Escolango

NiIagdaan ang appointment ni Escolango noong Agosto 23 subalit naipalabas ang impormasyon kasama ang iba pang presidential appointees noong Agosto 29.

Unang nakilala si Esco­lango noong 2016 makaraang italaga ng Malacanang bilang officer-in-charge (OIC) administrator ng SBMA na nagpapatakbo sa Subic Freeport Zone.

Bago magsimula sa mataas na opisyal ng SBMA, nagtatag ng sariling law office at nagsi­mula ang kanyang professional career bilang private practitioner at naging dalubhasa sa corporate at litigation lawyer.

Nag-umpisa naman sa serbisyo sa gobyerno bilang clerk III (civil case in charge) ng Metropolitan Trial Court Branch 4 sa Maynila noong 1999 hanggang 2002.

Noong 2010, nakompleto ni Escolango ang kanyang public management at noong 2014 na Doctor of Philosophy in Public Administration.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naging national vice-pre­sident si Escolango ng prestisyosong Philippine Association of Government Corporate Lawyers (PAGCLAW).

Pormal na uupo sa bago nitong posisyon si Escolango sa susunod na linggo kasabay ng kanyang pagpupulong kay Finance Secretary Carlos Dominguez.

Source: philstar.com

Exit mobile version