Olongapo City— Alas 5:20 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang BFP Olongapo tungkol sa isang sunog na sumiklab sa Caron St. Brgy West Bajac-Bajac, Olongapo City.
Ulat ni Lolito Ramada Go
Sa panayam ng SBC news kay BFP Chief Inspector Roy Quisto, napag-alamang dalawang residential property ang apektado ng naturang sunog na nagsimulang sumiklab sa isang bahay na pagmamay-ari ni G. Maria Yang. Kasama ring nadamay ang isang 9 units apartment structure na pagmamay-ari naman ng isang Fernando Julian. Sa paunang imbestigasyon lumalabas na gawa sa light material ang naturang mga kabahayan kaya’t mabilis na kumalat ang apoy. Gayunpaman mabilis din itong naapula ng pinagsamang pwersa ng mga pamatay-sunog mula sa BFP Olongapo, SBMA Fire Rescue at Sta. Rita Fire Rescue and Response Unit. Ala sais kinse nang maideklarang fire under control at alas sais kwarenta naman ng tuluyang ideklarang fire out ang naturang sunog.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at ang tinatayang halaga ng pinsala. Wala namang napaulat na namatay o nasaktan sa naturang insidente.
First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook