Site icon

CLRAA meet sa Zambales Bukas na!!!

Phot credit: rappler.com
IBA, Zambales — Mahigit 10,000 atleta ang paparada sa Zambales Sports Complex para sa pag-uumpisa bukas (Linggo) ng 2019 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet.

Inorganisa ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna nina Romeo M. Alip Ph. CESO V School Division Superintendent at Provincial Government sa pangunguna ni Zambales Governor Amor D. Deloso.

Sinabi ni Deloso na sinisikap ng pamahalaang Panlalawigan na matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga delegado habang sila ay nasa lalawigan katuwang ang mga kapulisan at militar dito.

Kaugnay ng temang, “Sports: Building Character, Shaping Dreams” layunin ng nasabing palaro na maitatak sa isipan ng mga atleta ang disiplina, pagtutulungan, pagiging patas sa paglalaro at pakikipag kapwa-tao sa iba pang atleta mula sa 18 schools divisions sa rehiyon gayundin upang makapili ng kakatawan sa Palarong Pambansa 2019, dagdag ni Deloso.

Ayon naman kay Zambales PNP Director PSSUPT Felix A. Verbo Jr., na nagplano at pinaghandaan talaga nila ang okasyong ito para sa kaligtasan ng mga manlalaro at mga bisita ngayong CLRAA na nagtalaga ng 225 personel kabilang na ang grupo ng Philippine Army, Special Action Force, Regional Mobile Force Battalion at mga miyembro ng bawat BPAT sa barangay sa bayan ng Iba.

Pangungunahan ni Zamables Vice Governor Angel Magsaysay ang pagwawagayway ng watawat sa paumpisa ng programa.

Dadalo bilang panauhing pandangal si Former Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” T. Go. Kasama rin sina DepED Regional Director Dr. Beatriz Torno CESO IV, 2nd District Congresswoman Cheryl Deloso-Montalla, Municipal of Iba Mayor Rundy Ebdane at ang buong miyembro ng provincial board.

Magsisimula ang naturang aktibidad sa isang parada na gagawin sa Zambale Sports Complex sa ganap na 3:00 ng hapon.

Idaraos naman ang Governor’s Night sa Lunes sa ganap na 6:00 ng gabi sa harap ng Provincial Capitol sa bayan ng Iba na pangungunahan ni Zambales Vice Governor Angel Magsaysay at pagbibigay naman ng Inspiational Message si Governor Deloso.

Gaganapin ang larong pampalakasan ngayong Pebrero 3-8 sa Zambales Sports Complex.

Kabilang sa sports na paglalabanan ang Archery, Amis, Athletics, Badminton, Baseball, Basketball, Boxing, Chess, Football, Gymnastics, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, Special Olympics.

Ang 18 kalahok na school division ay Angeles City, Aurora, Balanga City, Bataan, Bulacan, Cabanatuan City, Gapan City, Mabalacat City, Malolos City, Science City of Munoz, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, City of San Fernando, San Jose City, Tarlac City, Tarlac, at Zambales. (R. Datu)

Source: SUBIC BAY Pillars FB Page

Exit mobile version