Site icon

CARD MRI, nakipagpulong sa local media ng Olongapo at Zambales


Dinaluhan ng mga mamamahayag ng Olongapo at Zambales ang media briefing na inorganisa ng CARD MRI biyernes ng umaga sa Iba, Zambales. Isinagawa ang naturang pulong upang higit na maipakilala sa publiko ang mga proyekto at hangarin ng CARD MRI.

Ulat ni Lolito Go

Dinaluhan ng mga mamamahayag ng Olongapo at Zambales ang media briefing na inorganisa ng CARD MRI biyernes ng umaga sa Iba, Zambales. Isinagawa ang naturang pulong upang higit na maipakilala sa publiko ang mga proyekto at hangarin ng CARD MRI.

Ang CARD MRI o CARD Center for Agriculture and Rural Development-Mutually Reinfocing Institution ay isang multi-awarded microfinance group na itinaguyod ni Dr. Jaime Aristotle Alip noong December 1986. Bukod sa microfinancing at pag-agapay sa small and medium enterprises, nagbibigay rin sila ng mga community development services sa mahihirap partikular sa aspeto ng edukasyon, kalusugan, ecotourism at disaster response efforts.

Nagsimula ang CARD MRI bilang isang non-government organization at ngayon, sa kanilang ika-tatlumpung taon ay nakapagsisilbi na sa halos limang milyong mga kliyente, mahigit kalahati sa mga ito ay aktibong mga miyembro na nakakautang at nakatatanggap ng mga benepisyo. Sa ngayon ay umaabot na rin sa mahigit 14 na milyon ang bilang ng mga taong nabigyan ng insurance coverage ng CARD MRI.
Ginawaran ang CARD MRI ng Ramon Magsaysay Awards for public service noong 2008 dahil sa matagumpay nitong kampanya sa pagbibigay ng pinansyal na serbisyo sa mga kababaihang pilipino at sa kanilang mga pamilya.

First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook

Exit mobile version