Pinapayuhan pa rin ang mga residente sa Luzon lalo na sa mga probinsya ng BATAAN, ZAMBALES, PANGASINAN, ILOCOS, LAUNION, CAVITE, BATANGAS, MINDORO, PALAWAN kasama ang MetroManila maging sa Western Visayas na maging handa sa mga malalakas na pag-ulan at bugso ng hanging dala ng HABAGAT na palalakasin ng SUPER TYPHOON #MARIA
Isa nang super typhoon ang bagyong mayroong international name na Maria.
Ayon sa datos ng U.S. Joint Typhoon Warning Center, nasa category 5 na ang bagyo na katumbas ng isang super typhoon o kasing lakas ng Bagyong Yolanda.
Taglay na nito ang lakas ng hanging umaabot sa 260 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 315 kada oras.
Papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa araw ng Lunes pero simula sa Linggo ay palalakasin na nito ang Habagat.
Nagbabantang manalasa ang bagyo sa Japan at eastern China sa susunod na linggo.
source: Article Readers FB page