NEWS AROUND SUBIC BAY

25th founding anniversary ng SBMA, handa na

Posted 7 years ago


SUBIC BAY FREE­PORT, Philippines — Naghahanda na ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa engrandeng pagdiriwang ng silver anniversary sa Nobyembre 2017.


25th founding anniversary ng SBMA, handa na
Atty. Wilma T. Eisma


Ayon kay SBMA Admi­nistrator at CEO Atty. Wilma T. Eisma, inaprobahan ng mga opisyal ng ahensiya ang mga aktibidad na gagawin sa pagdiriwang ng 25th taon ng pagkakatatag ng Subic Bay Freeport Zone na kinukunsiderang isa sa mga success stories ng military base conversion sa mundo.

Napakahalagang milestone ng Subic Freeport ang 25th founding anniversary kaya kailangang maging espesyal din ang mga aktibidad ng SBMA,” pahayag ni Atty. Eisma na isa rin sa mga orihinal na volunteer na tumulong upang maprotektahan at mapangalagaan ang mga pasilidad ng Subic Bay matapos lisanin ng U.S. Navy ang Subic Bay noong 1992.

“Malayo na ang narating ng Subic, salamat sa sakri­pisyo at pagpupursigi ng napakaraming mamamayan sa loob ng maraming taon at ang parangal para sa kanila ay isa sa malaking bahagi ng selebrasyong ito,” dagdag pa ni Eisma.

PAGBABALIK-TANAW

“SBMA at 25” Celebra­ting the Past, Forging the Nation’s Future,” ang magiging tema ng selebrasyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Magsisimula ang selebrasyon sa Nobyembre 6 sa flag-raising ceremony sa makasaysayang Bldg. 229, ang main office ng SBMA, na susundan ng motorcade sa Central Business District ng Freeport habang may mga eroplanong nagsasagawa naman ng streamer at confetti drops sa himpapawid, at water cannon salutes naman sa mga barko sa Subic Bay.

Magsasagawa rin ang SBMA Labor Department ng job fair sa pakikipagtulungan ng mga business locators ng Subic Bay Freeport.

Iba pang mga aktibidad para sa kabuuan ng buwan ng Nobyembre ay SBMA Family Day at “SBMA Got Talent” sa Nobyembre 18 na magtatapos sa pagbubukas ng giant Christmas Tree sa Boardwalk Park.

Samantala, magkakaroon din ng tatlong-araw na “Subic Bay Grand Sale” sa Remy Field at sa mga tou­rism establishments simula Nobyembre 24 hanggang 26.

Ito ay susundan ng isang awarding ceremony bilang pagkilala sa mga pioneer investor companies at mga pioneer SBMA employees.

Isang float at foot parade naman na lalahukan ng mga representante mula sa local government units ang gaganapin sa Waterfront Road.


Source: philstar.com
Image source: sbma.com

Loading Comment

25th founding anniversary ng SBMA, handa na

Posted 7 years ago

Investment Gab On Business Prospects Set

Posted 7 years ago

Dating Olongapo City Mayor James Bong Gordon, inabswelto ng Ombudsman

Posted 7 years ago

Why The Philippines Is An Emerging Farm Tourism Destination

Posted 7 years ago

Olongapo City supports Expanded National Greening Program

Posted 7 years ago

Olongapo Athletes bring home 2 Golds, 2 Silver during SEA GAMES

Posted 7 years ago

Related Content

Other News

View all news
News Archive
 
Share